Thursday, February 28, 2008

Usok

Hihithit ng sigarilyo,
Para sa pagkakaibigan, para sa pinagsamahan.
Isang lagok ng alak, malasing man lang sa alala
Hanggang sa ang dalamhati’y makatulugan.
Bukas paggising ko, mananakit ang ulo sa panaghoy,
sa pait ng inuming nagdadala ng kabaliwan, kaligayahan… kalayaan?

Pagmamasdan ang usok sa dilim, tila nabanaag ang iyong mukha.
Lungkot o tuwa, ipagwawalang bahala ang sakit makita ka lang muli.
Makasamang tumawa, makasamang muli sa pighati.
Nababaliw ang gabi sa iyong alala, sa dating saya.
Di na muling makikita ng umaga ang lungkot sa iyong mata.

Kung saan saan hahanapin, ngunit hindi makikita.
Kung saan saan ibabaling, ngunit hindi na makababalik pa.
Isang hithit na lang ng sigarilyo, isang lagok, isang hinagpis

At magpapatuloy na.