Sunday, October 21, 2012

Orasyon



Nasaan na kaya ang mga tikbalang? mga asuang at mangkukulam?
Ala-sais na at takip-silim; magmamadaling walisan ang bakuran, isasarang maigi ang pinto sa likuran, ni anino ng mga anghel ay di makakapuslit sa mahigpit na kandadong ilalagay.

Magoorasyon, luluhod, sa lahat ng santo'y tatawag; naway lampasan nila ang aking bubungan, naway huwag ako hayaang mamaluktot sa takot sa magdamag.


-darelam


No comments:

Post a Comment